MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO MGA POSIBLENG SOLUSYON SA BAWAT SULIRANIN 1. Oras na itinakda para sa asignatura. • Higit na makakatulong sa guro at sa mga mag-aaral ang magkaroon ng sapat na oras sa pagtuturo/pag-aaral upang maisakatuparan ang layunin sa pagtuturo sa araw na iyon. • Sa kasalukuyan ang oras ng pagtuturo sa asignaturang Filipino ay nadagdagan ng 20 minuto mula baitang I-III at 60 minuto naman sa baitang IV-VI hanggang sekundarya. English conversation practice grant taylor pdf free. Kapaligiran ng paaralan.
Ang MakabagongTeknik sa pag-tuturong Asignaturang Filipino ay tumatalak ay sa pag-aaral na may kaugnayan sa mga makabagong tuklas na mga metodolohiya, estratehiya at teknik na maaaring magamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Oct 25, 2017. 2626936-teaching-araling-panlipunan-principles/ • Bartolome, M.A. (2013) Mga estratehiya sa pagtuturo ng araling panlipunan, Retrived.
• Magkadaragdag sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang may maayos na kapaligiran sa lugar na kanilang pinag-aaralan gayundin sa mga guro sa kanilang pagtuturo kung kaya’t nararapat na magkaroon ng maayos,malinis, maliwanag,maganda at maaliwalas na kapaligiran sa isang paaralan. Kakulangan sa kaalaman sa mga makabagong pamamaraan o istratehiyang pampagtuturo. • Makatutulong ang pagdalo ng mga guro sa mga seminar-worksyap na ibinibigay ng KWF o anumang samahang nagtataguyod ng wikang Filipino upang mas lalong madagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa makabagong pamamaraan o estratehiyang pampagtuturo. • Makakatulong din ang palagiang pagbabasa ng mga aklat, magasin o anumang babasahin na may kinalaman sa pagtuturo ng wika at panitikan. Kakulangan sa mga makabagong kagamitang pampagtuturo. • Ang tagapamahala ng paaralan ay maaaring makatulong sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo ng mga guro kabilang na ang paggamit ng kompyuter sa modernong pagtuturo.
• Paglaanan ng tagapamahala ng paaralan at maging ng guro ang mga kagamitang pampagtuturo upang magkaroon ng makabago at epektibong pagtuturo sa wika at pantikan. • Maaari ding gumawa ang guro ng batid niyang mga kagamitang pampagtuturo bago pa lamang magsimula ang pasukan. Kawalan ng interes ng mga mag- aaral dahil sa pagdating ng mga makabagong kagamitan na mas pinagkakaabalahan ng mga mag- aaral.(cellphone, computer,atbp.) • Umisip ng mga teknik o estratehiya na makahihikayat sa mga mag-aaral na makuha ang kanilang atensyon habang nagtuturo ang guro sa wika at panitikan katulad ng pagbabawal sa pagpapadala ng kanilang cellphone o anumang gadgets sa pagpasok sa paaralan o pagbabawal na paggamit nito habang nagtuturo ang kanilang guro. • Bigyan ang mga mag-aaral ng mga takdang-aralin na maaaring hindi gagamitin ang kompyuter upang mapigilan ang pagkahumaling nila dito, gamitin ang silid-aralan sa paghanap ng kasagutan sa kanilang mga gawaing-bahay. • Bigyan ng gantimpala ang mag-aaral na susunod sa mga panuto ng guro.
Kakulangan sa bokabularyong Filipino/Tagalog. • Makatutulong ang madalas na pagbabasa ng mga diksyunaryong Filipino upang lalong madagdagan ang bokabularyong Filipino/Tagalog. Pagdating ng mga makabagong salita na wala naman sa diksyunaryong Filipino.(jejemon at bekemon) • Sanayin/hikayatin ang mga mag-aaral na bumigkas o gamitin ang mga wastong pananalita sa kanilang araw-araw na pakikipagtalastasan lalo na kung nasa loob ng paaralan.
• Bigyan ng gantimpala ang mga mag-aaral na susunod sa panuto ng guro at bigyan ng magaan n parusa ang mga mag-aaral (hal. Multa kung makariringgan ng pagsasalita ng mga jejemon o bekimon na salita sa loob at labas ng silid-aralan. Ang mahinang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig. • Mahahasa ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig kung mas bibigyan ng guro ng mga pagsasanay ang mga mag-aaral hinggil dito (pakikinig). Ang kawalan ng interes ng mga mag- aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan. • Gumamit ng iba’t ibang estratehiya o pagdulog sa pagtuturo ng akdang Pilipino upang makapukaw sa interes ng mga mag-aaral na basahin ang mga ito.